Bodega ng mga paninda sa GenSan, nasunog

By Len Montaño March 02, 2019 - 02:46 AM

Natupok ng apoy ang isang bodega ng mga paninda sa Barangay Bula, General Santos City Biyernes ng gabi.

Nagsimula ang sunog alas 7:00 ng gabi at mabilis na kumalat ang apoy dahil ang ilan sa mga paninda ay plasticware at mga appliance.

Ayon sa General Santos City Fire Office, nadamay sa sunog ang bahay ng may-ari ng bodega.

Wala naman ng iba pang nasunog dahil sa firewall.

Makalipas ang dalawang oras ay naapula ang sunog.

Sa inisyal na ulat, mahigit P2 milyon ang halaga ng ari-arian na naabo.

Walang napaulat na nasaktan at patuloy na inaalam ang dahilan ng sunog.

TAGS: appliance, bodega, Gensan, paninda, plasticware, sunog, appliance, bodega, Gensan, paninda, plasticware, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.