3 bagyo noong 2018 inalis na sa listahan ng PAGASA

By Rhommel Balasbas March 02, 2019 - 02:34 AM

Tinanggal na ng PAGASA sa kanilang listahan ang pangalan ng tatlong bagyo na nagdulot ng malawakang pinsala sa bansa noong nakaraang taon.

Ayon kay PAGASA administrator Vicente Malano, hindi na gagamitin ng weather bureau ang mga pangalang Ompong, Rosita at Usman.

Pinalitan ang tatlong pangalan ng Obet, Rosal at Umberto.

Tinatanggal ng PAGASA ang pangalan ng isang bagyo kapag nag-iwan ito ng hindi bababa sa 300 patay o hindi kaya ay nagdulot ng aabot sa P1 bilyong pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Matatandaang ang bagyong Ompong na nanalasa noong Setyembre ay nag-iwan ng 82 patay at higit P33.9 bilyong pinsala sa agrikultura at imprastraktura,

Ang Rosita naman na tumama sa bansa noong Oktubre ay nag-iwan ng 20 patay at humigit-kumulang P2.9 bilyong pinsala sa mga pananim at ari-arian.

Habang ang bagyong Usman ay nanalanta noong Disyembre at kumitil sa buhay ng 156 katao at sumira sa P5.4 bilyong halaga ng imprastraktura.

TAGS: Bagyo, listahan, malawakang pinsala, Obet, Ompong, pagasa, PAGASA administrator Vicente Malano, Rosal, Rosita, Umberto, usman, Bagyo, listahan, malawakang pinsala, Obet, Ompong, pagasa, PAGASA administrator Vicente Malano, Rosal, Rosita, Umberto, usman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.