Nagnakaw at nanaksak ng musikero sa Maynila, arestado

By Len Montaño March 02, 2019 - 02:20 AM

Dalawang suspek sa pagnanakaw at pagsaksak sa isang musikero sa Ermita, Maynila ang naaresto araw ng Biyernes.

Kuha sa CCTV ang paglabas ng biktimang si Cyrus Roque matapos tumugtog sa isang hotel at ang pagsunod ng dalawang lalaki.

Isa sa mga suspek ang umakbay kay Roque at kinuha ang pera at relo nito.

Matapos nakawan ay sinaksak pa ng mga suspek sa likod ang biktima.

May napadaang trike patrol na tumulong sa biktima para habulin ang mga suspek.

Naaresto kalaunan ang dalawa at nang magkaharap sa istasyon ng pulisya ay nakilala ang mga suspek na sina Raymart Garbo at Robert Mendez.

Nakuha sa kanila ang isang balisong, at ang pitaka at relo ni Roque.

Nahaharap ang dalawa sa kasong robbery-hold up at frustrated homicide.

TAGS: cctv, frustrated homicide, holdap, musikero, robbery-hold up, saksak, cctv, frustrated homicide, holdap, musikero, robbery-hold up, saksak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.