Comelec pag-aaralan ang hiling na debate ng Otso Diresto vs. Hugpong ng Pagbabago

By Rhommel Balasbas March 02, 2019 - 02:02 AM

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na pag-aaralan nito ang mungkahi ng Otso Diretso na pangunahan ng poll body ang isang debate sa pagitan nila at ng Hugpong ng Pagbabago.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, matagal na rin nilang nararamdaman ang pangangailangan para sa isang debate.

Sinabi naman ni Commissioner Rowena Guazon na nakatakdang talakayin ang hiling ng Otso Diretso sa kanilang en banc meeting.

Sa kanilang sulat sa Comelec, binanggit ng Otso Diretso ang pahayag ni HP founding chairman Sara Duterte-Carpio na dapat ay humanap ng third party organizer para sa debate.

Nais ng opposition senatorial bets ng debate para malaman ng publiko ang mga plataporma at posisyon ng mga kandidato sa mahahalagang isyu.

TAGS: comelec, Comelec Commissioner Rowena Guazon, Comelec spokesperson James Jimenez, debate, HP founding chairman Sara Duterte-Carpio, hugpong ng pagbabago, Otso Dire, plataporma, comelec, Comelec Commissioner Rowena Guazon, Comelec spokesperson James Jimenez, debate, HP founding chairman Sara Duterte-Carpio, hugpong ng pagbabago, Otso Dire, plataporma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.