Duterte, wala pa ring commitment sa US invite ni Trump

By Len Montaño March 02, 2019 - 01:53 AM

Wala pa ring commitment si Pangulong Rodrigo Duterte sa imbitasyon ni President Donald Trump na bumisita ito sa Estados Unidos.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang malinaw na pag-uusap ang Pangulo at si US Secretary of State Mike Pompeo kaugnay ng posibleng pagbisita sa Amerika.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin anya tiyak kung pagbibigyan ng Pangulo ang matagal ng imbitasyon ni Trump.

Paliwanag ng Kalihim, bukod sa mahabang biyahe, hindi kaya ng Pangulo ang malamig na panahon sa US.

Noong 2017 ang unang imbitasyon ni Trump kay Duterte habang noong nakaraang taon ay sinabi ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na patuloy na inaayos ang posibleng pagbisita ni Duterte sa kanilang bansa.

TAGS: commitment, imbitasyon, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, US President Donald Trump, US Secretary of State Mike Pompeo, US visit, commitment, imbitasyon, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, US President Donald Trump, US Secretary of State Mike Pompeo, US visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.