Nietes, ayaw ng rematch kay Palicte, binakante ang WBO title
Nagdesisyon si Filipino champion Donnie “Ahas” Nietes na bakantehin ang kanyang WBO junior bantamweight title dahil ayaw nito ang mandatory rematch sa kapwa Pilipino na si Aston Palicte.
Matapos talunin si Kazuto Ioka, naglaban sina Nietes at Palicte sa title eliminator noong Sityembre pero nauwi sa split draw ang laban.
Ayon kay Nietes, wala ng dahilan para muli silang maglaban ni Palicte matapos ang kontrobersyal na draw.
Target ngayon ni Nietes ang mas malalaking world championships.
Una nang sinabi ng promoter nitong si Michael Aldeguer na deserve ni Nietes na makalaban ang mas malalaking pangalan sa kanyang divison.
Kabilang sina WBC superfly champion Srisaket Sor Rungvisai, WBA superfly champion Khalid Yafai at dating kampeon na si Juan Francisco Estrada.
Ayon pa sa 4-division champion, magbibigay daan siya para may pagkakataon si Palicte na maging world champion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.