Nasa 3 lanes ang inaasahang isasara sa daloy ng trapik kasabay ng pagsasara ng flyover simula Sabado (March 2).
Isasara rin ang U-turn slot sa ilalim ng Luzon Avenue flyover hanggang Congressional Avenue Extension.
Ang sumusunod ang mga alternatibong ruta:
Papuntang Quezon City Circle:
- U-turn sa harap ng Home Depot, kanan sa Luzon Avenue at exit sa Congressional Extension
- Kanan sa Tandang Sora Avenue at U-turn sa Congressional Extension
- Para sa galing sa Fairview, kanan sa Don Antonio, daan sa Mapayapa papuntang Luzon Avenue
Papuntang Katipunan
- Kanan sa Luzon, U-turn sa Congressional Extension at punta sa Luzon flyover
- U-turn malapit sa Technohub at kanan sa Tandang Sora papuntang Katipunan. Pwede ring gamitin ang Luzon flyover
- U-turn sa Commonwealth Avenue-Elliptical Road, kanan sa University Avenue, kanan sa C.P. Garcia at exit sa Katipunan
Ayon sa mga otoridad, may pwedeng buksan na mga gates ng subdivision para maibsan ang inaasahang trapik.
Doble kayod pa rin ang mga otoridad sa clearing operation sa mga alternate routes kabilang ang pagtatanggal sa mga sasakyan na iligal na nakaparada at pagsaway sa mga pasahero at driver na hindi sumusunod sa loading at unloading zones.
Ang pagsasara ng Tandang Sora flyover ay bahagi ng konstruksyon ng Metro Rail Transit System Line 7 (MRT-7) na inaasahang matatapos sa loob ng 2 taon.