Niyanig ng magnitude 7.0 na lindol ang bansang Peru araw ng Biyernes.
Pero walang agarang ulat na may nasaktan o sa pinsalang dulot ng lindol.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), tumama ang malakas na lindol sa Andes region.
Ang episentro ng lindol ay nasa lalim na 257 kilometro.
Ayon sa USGS, karamihan ng malakas na lindol sa South America ay naitatala sa maximum depth na 70 kilometers.
Naitala ang pagyanig 27 kilometro northeast ng bayan ng Azangaro malapit sa border sa Bolivia.
Ayon sa National Emergency operations Center, may report na ilang mga bato ang nahulog sa mga kalsada pero walang detalye ukol sa nasaktan o nasirang ari-arian.
Noong nakaraang linggo lamang ay tumama ang magnitude 7.5 na lindol sa kalapit na Ecuador na ikinasugat ng 9 katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.