500-M na tinapyas sa Comelec, ipinababalik ni Drilon

November 27, 2015 - 02:43 AM

 

Inquirer file photo

Itinutulak ni Senate President Franklin Drilon na maibalik ang limang daang milyong piso na una nang tinapyas ng Senado para sa Commission on Elections.

Ayon kay Drilon, mahalaga ang naturang pondo para magamit sa speedy transmission ng boto para sa 2016 presidential elections.

Base sa proposed budget na isinumite ng Malakanyang, kasama ang limang daang milyong pisong pondo para sa COMELEC, nakapaloob ito sa House version subalit tinanggal ito ni Senador Loren Legarda, chairman ng Senate committee on finance.

Ayon kay Drilon, sumulat na siya kay Legarda para ibalik ang tinapyas na pondo.

Samantala, kumpiyansa si Drilon na matatapos na ang bicameral conference committee sa national budget sa December 4 at mararatipikahan ang bicam report sa December 7 hanggang 11.

Target aniya ng mga mambabatas na maisumite sa Pangulong Benigno Aquino III ang bicam report sa December 14 at mabigyan ng sampung araw na rebyuhin ang budget at mai-veto ng pangulo ang mga line item na gusto nito.

Kasama sa pambansang pondo ang 57 bilyong piso para sa Salary Standardization Law.

Ayon kay Drilon, bibigyan ng highest priority ng Kongreso ang SSL 2015 na maipasa sa December para maging epektibo na ang umento sa sahod sa mga government employee sa January 2016.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.