SWS: Karamihan ng mga Pinoy, takot maging biktima ng EJK

By Len Montaño March 01, 2019 - 11:00 PM

Takot ang karamihan ng mga Pilipino na sila o kanilang kilala ay maging biktima ng extra judicial killing (EJK) sa gitna ng war on drugs ng gobyerno.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula December 16 hanggang 19, 2018, nasa 78 percent ng mga Pinoy ang nag-aalala na maging biktima sila ng EJK habang 22 percent ang hindi nag-aalala.

Ayon sa SWS, ito ay limang porsyentong pagtaas mula sa 73 percent na naitala noong June 2017.

Partikular na nakasaad sa resulta ng survey na nasa 42 percent ang “very worried” at 36 percent ang “somewhat worried.”

Samantala, nasa nine percent ang “not too worried” habang 13 percent ang “not worried at all.”

Sa naturang survey ay tinanong ang 1,440 respondents kung “Gaano po kayo nangangamba na kayo o sino mang kilala ninyo ay maging biktima ng EJK?”

TAGS: biktima, ejk, survey, SWS, War on drugs, biktima, ejk, survey, SWS, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.