Patay sa dengue sa Region 12, umabot na sa 5 mula Enero

By Len Montaño March 01, 2019 - 10:33 PM

Umabot na sa lima ang nasawi sa dengue sa Region 12 mula buwan ng Enero ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Jenny Ventura Panizales ng Department of Health (DOH) sa Soccsksargen region, tatlo sa limang namatay ay mula sa North Cotabato, isa mula sa Sarangani at isa pa mula sa South Cotabato.

Hanggang Pebrero, naitala ng DOH Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ang 2,332 kaso ng dengue sa rehiyon.

Ito ay 191 porsyentong mataas sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ang pinakabatang namatay sa dengue ay isang tatlong buwang gulang na bata at pinakamatanda ay 96 anyos.

Sinabi ni Panizales na walang deklarasyon ng dengue outbreak pero nasa emergency status ang mga health workers.

TAGS: Dengue, DOH Regional Epidemiology and Surveillance Unit, DOH Soccsksargen, emergency status, outbreak, region 12, Dengue, DOH Regional Epidemiology and Surveillance Unit, DOH Soccsksargen, emergency status, outbreak, region 12

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.