P5M halaga ng oil palm sa North Cotabato, nasunog

By Len Montaño March 01, 2019 - 10:22 PM

Natupok ng apoy ang P5 milyong halaga ng oil palm sa isang plantasyon sa Arakan, North Cotabato.

Ayon kay Senior Fire Officer Ronadl Valle, Arakan Bureau of Fire Protection spokesperson, nagsimula ang sunog Huwebes ng tanghali pero naipaalam lang sa Bureau of Fire Protection-Arakan pasado alas 4:00 ng hapon.

Ang plantasyon ay 10 kilometro ang layo mula sa bayan.

Makalipas ang dalawang oras ay ideneklarang fire out ang sunog.

Ang plantasyon na pag-aari ng isang negosyante mula sa Matalam, North Cotabato ay nasa tri-borders ng Arakan, North Cotabato, bayan ng Quezon sa Bukidnon at Marilog District sa Davao City.

Ayon sa mga testigo, may nakita silang nagsunog ng tuyong mga dahon na hindi nakontrol at umabot sa plantasyon.

TAGS: apoy, Bureau of Fire Protection Arakan, Fire out, nagsunog, natupok, oil palm, plantasyon, sunog, tuyong dahon, apoy, Bureau of Fire Protection Arakan, Fire out, nagsunog, natupok, oil palm, plantasyon, sunog, tuyong dahon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.