Metro Manila Subway ligtas sa lindol – Phivolcs
Ginarantiyahan ng Phivolcs na ligtas ang itinatayong Metro Manila Subway system sa lindol.
Sa inilabas na pahayag ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni Phivolcs Officer in Charge Renato Solidum, walang bahagi ng subway system ang iibabaw sa West Valley Fault.
Dagdag pa ni Solidum, ang subway rail system ay dadaan sa ‘adobe layer,’ na angkop sa gagawing ‘tunneling.’
Ipinunto din ng opisyal na mas ligtas pa ang underground rail kumpara sa elevated rail kung magkakaroon ng pagyanig ng lupa.
Tiwala din ang DOTr na sa lawak ng karanasan at kahusayan ng Japan sa pagdisenyo, paggawa at pag-operate ng subway system para maging ligtas ito sa anumang paggalaw sa lupa.
Inumpisahan na ang paggawa sa unang subway system sa bansa na ang bahagi ay maaring maging operational bago bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte sa 2022.
Ang proyekto ay bahagi ng ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyon at popondohan ng pautang ng Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.