Dagdag na P10K bonus sa mga empleyado ng gobyerno, hindi totoo, ayon sa DBM

By Kathleen Betina Aenlle November 27, 2015 - 02:34 AM

 

abad-butchPinaalalahanan ng Department of Budget Management (DBM) ang publiko partukular ang mga nasa sektor ng gobyerno na huwag maniwala sa bali-balita na kumakalat sa internet.

Napilitang maglabas ng paglilinaw ang DBM makaraang lumabas sa ilang blog na nagsasabing makakatanggap ng karagdagang P10,000 na holiday bonus ang mga empleyado ng gobyerno ngayong taon.

Sa inilabas na advisory ng DBM, Huwebes, nilinaw nito na wala na silang matatanggap na iba pang holiday bonus sa December 15, dahil naibigay na sa kanila ang kanilang 13th month pay at cash gift na nagkakahalagang P5,000.

Una rito, kumalat sa social media ang isang article ng Philippine Daily Inquirer noong 2011 na may titulong “P10,000 more for government workers”.

Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng P10,000 productivity enhancement incentive noong 2011, at napagkamalan ng iba na holiday bonus para sa taong ito dahil sa hindi nila napansin na apat na taon nang nakalipas nang ilabas ang balitang ito.

Mayroon pang isang blog na ini-rehash ang nasabing balita at pinalitan ang petsa nito ng November 5, 2015 para mag-mistulang inilabas ngayong taon lamang

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.