2 patay, 1 sugatan sa ambush sa Zamboanga del Norte

By Jan Escosio March 01, 2019 - 08:55 PM

Patay ang dalawang empleyado ng isang kompaniya sa pananambang sa Sirawai, Zamboanga del Norte.

Sa inisyal na ulat, alas-11:30 Biyernes ng umaga nang maganap ang insidente sa Sitio Lubok sa Barangay Pisa Itom.

Kinilala ang nasawi a sina Raymond Basa, company driver at Ian Calunsag, operator. Ang dalawa ay kapwa empleyado ng DACON, isang logging company.

Samantala, isang miyembro naman ng Cafgu ang nasugatan sa insidente at isang granada ang narekober sa lugar kung saan naganap ang pananambang.

Magkatuwang na nagsasagawa ng pursuit operations ang pulisya at military laban sa hindi pa natutukoy na grupong responsible.

TAGS: 1 sugatan, 2 patay, DACON, logging company, sirawai, Zamboanga del Norte., 1 sugatan, 2 patay, DACON, logging company, sirawai, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.