Senator Grace Poe, inaprubahan ang mga panukala na payagan ang motorsiklo na maituring na pampublikong sasakyan

Nakakuha ng kakampi kay Senator Grace Poe ang Angkas.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services sa Cabanatuan City, inaprubahan ni Poe ang mga panukala na payagan ang motorsiklo na maituring na pampublikong sasakyan.

May hiwalay na panukala sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Sen. JV Ejercito.

Katuwiran ni Poe maaring maging alternatibo ang motorsiklo sa public transport system sa bansa at nangako ito na pipipilitan na maipasa ang mga panukala bago ang pagtatapos ng 17th Congress.

Ngunit pagdidiin ng senadora kailangan na sumailalim sa pagsasanay ang mga Angkas drivers at dapat din aniya may insurance ang mga pasahero.

Hinihintay pa din ni Poe ang kumpletong ulat ngf Department of Transportation ukol sa paggamit sa mga motorsiklo bilang pampublikong transportasyon.

Read more...