Bilang ng mga drug users sa buong bansa aabot na sa pitong milyon – Panelo

By Jan Escosio March 01, 2019 - 08:16 PM

Sinabi ng Malakanyang na hindi dumami ang mga drug users sa bansa at wala naman sinabi na nabawasan ang bilang.

Nilinaw ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang nabanggit ni Pangulong Duterte na tatlong milyong drug users sa bansa ay ang nasa Metro Manila lang.

Aniya ngayon ay may pitong milyong drug users sa buong bansa.

Una nang inamin ng PNP na wala silang datos ng eksaktong bilang ng mga gumagamit ng droga sa bansa at hindi rin nila alam kung saan hinugot ng Malakanyang ang bilang na sinabi ng punong ehekutibo.

Ang mga bilang na ibinigay ng pambansang pulisya ay ang mga naisagawa nilang operasyon, ang mga naarestong drug personalities, maging ang mga bilang ng mga nasawi sa anti-drug operations kasama na ang mga alagad ng batas.

Sa pinakahuling datos, 5,176 na ang namatay sa mga operasyon, samantalang halos 600 opisyal ng gobyerno na ang kasama sa mga naaresto.

TAGS: Drug Users, Malakanyang, panelo, Drug Users, Malakanyang, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.