Binalaan ni Senator Richard Gordon ang mga pribadong ospital na nagpapahirap pa sa mga pasyente.
Ibinahagi ni Gordon na may lumapit sa kanya na anak ng isang pasyente na nasa ICU ng Unihealth –Baypointe Hospital and Medical Center sa Subic Bay Freeport Zone at idinaing ang paniningil para sa re-testing ng dugo na mula sa Philippine Red Cross.
Sa sulat ng senador kay Health Sec. Francisco Duque III, iginiit nito na hindi na kailangan ng re-testing sa mga dugo mula sa PRC at hindi na dapat dagdagan pa ang paghihirap ng mga pasyente.
Ayon kay Gordon, umabot na sa P200,000 ang singilin ng naturang ospital sa pamilya ng pasyente at anghalaga ay dahil lang sa ‘blood retesting fee’ na P6,000 per unit.
Nabanggit pa nito na magkakaroon na ang PRC ng nucleic acid testing sa mga blood donations para mas matiyak na libre ang mga ito sa anumang infection.
Hiniling ni Gordon kay Duque na imbestigahan ang idinulog sa kanyang reklamo laban sa naturang ospital sa Subic.