Dahilan kung bakit hindi naipapadala sa Malakanyang ang bicameral report ukol sa GAA ibinunyag si Sen. Lacson

By Jan Escosio March 01, 2019 - 08:13 PM

Ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson ang dahilan kaya’t hindi pa naipapadala sa Malakanyang ang bicameral report ukol sa General Appropriations Act na dalawang linggo nang naratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ibinahagi ni Lacson na may nakuha siyang impormasyon na hinihintay pa ng pamunuan ng Kamara ang isusumiteng individual projects ng ilang kongresista.

Aniya hindi pa kasama ang mga ‘insertions and realignments’ na ginawa matapos ratipikahan ang bicameral report.

Pagdidiin ni Lacson, ito ay pagpapakita ng pang-aabuso muli sa posisyon ng ilang mambabatas kung ang mga ginagawang pagbabago ay hindi alam o pinapayagan ng Senado.

Nabanggit pa ng senador na ang panibagong hakbangin na ito ng pamunuan ng Kamara ay maaring paglabag sa Saligang Batas.

Aniya, may nakausap siyang kongresista na nagsabi na natapyasan ang pork barrel ng may 60 mambabatas.

Isinalarawan ni Lacson ang ginagawang ito ng ilang mambabatas na kasakiman at nakakahiya.

TAGS: bicameral repor, GAA, lacson, Malakanyang, bicameral repor, GAA, lacson, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.