Sunog sa gusali ng BOC sa Port Area, Maynila binabalak imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee

By Jan Escosio March 01, 2019 - 07:49 PM

Ikinukunsidera ni Senator Richard Gordon na maimbestigahan ng pinamumunuan niyang Senate Blue Ribbon Committee ang sunog na tumupok sa isang gusali ng Bureau of Customs sa Port Area, Maynila noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Gordon maraming dokumento at kagamitan ang napinsala dahil sa insidente.

Aniya sinimulan na nilang mangalap ng mga datos at ebidensiya na pagbabasehan ng isasawang imbestigasyon sa Senado.

Paglilinaw pa ni Gordon na bagamat naka-‘recess’ ang Kongreso, maaring magsagawa ng motu propio investigations ang komite sa mga isyu at kontrobersiya.

Tumagal ng halos 10 oras ang sunog bago ito naapula.

Nagsagawa na ang komite ni Gordon ng pag-iimbestiga kaugnay naman sa mga pagkakapuslit ng bilyong-bilyong pisong halaga ng shabu ng hindi nahaharang ng Bureau of Customs.

TAGS: BOC, Maynila, port area, Sen. Gordon, senate blue ribbon committee, sunog gusali ng BOC, BOC, Maynila, port area, Sen. Gordon, senate blue ribbon committee, sunog gusali ng BOC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.