Police officer na sangkot sa pagpapahirap sa isang suspek naaresto ng NBI

By Ricky Brozas March 01, 2019 - 07:05 PM

Inquirer File Photo

Iniharap sa media ng National Bureau of Investigation ang isang police officer na sangkot sa pag-torture ng kapwa niya pulis sa isang suspek sa pagnanakaw noong 2011.

Ang pagdakip sa suspek ay dahil sa reklamong pagala-gala lamang sa kanilang lugar si PO1 Nonito Binayug, kapatid ng police na si Senior Inspector Joselito Binayug na sangkot sa pagpapahirap sa isang suspek sa pagnanakaw sa Tondo, Maynila ilang taon na ang nakalilipas.

Ayon sa NBI, nadawit ang suspek sa kaso dahil pinanood lamang niya ang ginawang pagpapahirap ng kanyang kapatid na pulis sa biktima.

Sa record, nag-viral sa social media ang ginawa ni Binayug sa suspek na tinalian ang ari habang sinasalang sa interogasyon.

TAGS: NBI, PO1 Nonito Binayug, Police officer na sangkot sa pagpapahirap sa isang suspek, NBI, PO1 Nonito Binayug, Police officer na sangkot sa pagpapahirap sa isang suspek

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.