2 Chinese at 2 pang Filipino na sangkot sa human trafficking, kinasuhan na ng NBI sa DOJ

Iniharap ng NBI sa media ang apat ba suspek na nahuli sa operasyon ng human trafficking sa Makati City noong Pebrero 27.

Sina Han Wang alyas Han Wang at Fengpin Yue alyas Amber Yur, parehong Chinese; at dalawang Pinay na sina Richelle Athena Maxine Landicho at RC Cordero ay naisalang na sa inquest proceeding ng Department of Justice.

Kabilang sa mga kaso ng mga respondent ay ang paglabag sa human trafficking at anti child abuse law.

Sa imbestigasyon ng NBI, nire-recruit ng mga suspek ang mga biktima saka binebenta sa mga kalalakihang parokyano na karamihan ay Chinese sa halagang 6 na libong piso hanggang 50 libo kada isa, depende sa ganda.

Ang mga suspek na nahaharap sa qualified human trafficking na non bailable offense ay hindi na makalalabas ng piitan, ayon sa NBI.

Read more...