Sa inilabas na pahayag ng kagawaran, tiniyak din na ibibigay ang lahat ng uri ng tulong sa mga biktima sa pamamagitan ng DepEd – Central Visayas Regional Office.
May mga tauhan na rin ang DepEd na nagbabantay sa ospital kung saan isinugod lima pang estudyante kasama ang kanilang coach para tutukan ang kanilang kondisyon.
Sa mga naunang ulat, pauwi na sa bayan ng Bayawan mula sa isang kompetisyon sa Cebu ang mga biktimang estudyante ng Basay National High School at sakay sila ng isang van nang sumalpok ang kanilang sasakyan sa kasalubong na truck, na may karga na mga tubo o sugar cane.
Namatay ang isang Grade 7 pupil at apat na Grade 11 pupils sa trahedya.