DePed tiniyak ang tulong sa mga estudyanteng nasawi sa aksidente sa Negros Oriental

By Jan Escosio March 01, 2019 - 05:45 PM

Nagpaabot na ng tulong at pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng limang batang mag-aaral na nasawi sa isang aksidente sa kalsada kaninang umaga sa Zamboanguita, Negros Oriental.

Sa inilabas na pahayag ng kagawaran, tiniyak din na ibibigay ang lahat ng uri ng tulong sa mga biktima sa pamamagitan ng DepEd – Central Visayas Regional Office.

May mga tauhan na rin ang DepEd na nagbabantay sa ospital kung saan isinugod lima pang estudyante kasama ang kanilang coach para tutukan ang kanilang kondisyon.

Sa mga naunang ulat, pauwi na sa bayan ng Bayawan mula sa isang kompetisyon sa Cebu ang mga biktimang estudyante ng Basay National High School at sakay sila ng isang van nang sumalpok ang kanilang sasakyan sa kasalubong na truck, na may karga na mga tubo o sugar cane.

Namatay ang isang Grade 7 pupil at apat na Grade 11 pupils sa trahedya.

TAGS: aksidente, deped, limang batang mag-aaral na nasawi, naulila, Negros Oriental, tulong at pakikiramay, Zamboanguita, aksidente, deped, limang batang mag-aaral na nasawi, naulila, Negros Oriental, tulong at pakikiramay, Zamboanguita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.