Garin at iba pang opisyal ng DOH pinakakasuhan na ng DOJ dahil sa dengvaxia controversy
Inirekomenda ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) na makasuhan si dating Health secretary Janette Garin at iba pang opisyal ng Department of Health (DOH), Sanofi Pasteur, RITM at Food And Drugs Administration (FDA).
Kaugnay ito sa unang batch ng mga dengvaxia related complaints na isinampa ng Public Attorney’s Office (PAO).
Pero dinismiss naman ang reklamo laban kay Health secretary Francisco Duque III at mga opisyal ng Zuellig Pharma.
Sa 127 na pahinang resolusyon ng panel of investigating prosecutors, kinakitaan ng sapat na basehan ang reklamo ng mga magulang ng walong batang nasawi matapos maturukan ng dengvaxia.
Ito ay may kaungayan sa unang batch ng mga kasong isinampa ng PAO sa DOJ noong Abril ng 2018 na tumagal hanggang Oktubre ang imbestigasyon ng panel of prosecutors.
Bukod kay dating Health secretary Garin kasama rin sa mga pinakakasuhan ng 8 counts ng reckless imprudence resulting to homicide ang siyam na opisyal ng DOH.
4 counts ng nasabing kaso naman ang pinasasampa laban sa mga opisyal ng Food and Drugs Administration.
Habang tig-walong counts naman sa mga opisyal ng RITM at Sanofi Pasteur Incorporated.
Ligtas na rin si Duque sa reklamong obstruction of justice.
Ibinasura din ng DOJ ang reklamong paglabag sa Anti-torture Act laban sa lahat ng respondents.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.