Inspeksiyon sa mga elevator sa Makati ipinag-utos ni Mayor Abby Binay

By Ricky Brozas March 01, 2019 - 03:47 PM

Inquirer Photo

Inatasan ni Makati City Mayor Abby Binay ang Office of the Building Official (OBO) na magsagawa ng masusing inspeksiyon sa lahat ng mga gusali sa lungsod na mayroong elevators.

Iyan ay para aniya masiguro na sumusunod ang mga ito sa safety requirements na nakasaad sa National Building Code of the Philippines.

Ginawa ni Binay ang utos matapos mag-malfunction at bumulusok ang isang elevator ng Philippine Bank of Communications (PBCom) Tower sa Ayala Avenue gabi ng huwebes na ikinasugat ng mga sakay nito.

“I would like to reiterate to building owners and administrators that it is their responsibility to ensure that all elevators in their building are well-maintained,” sabi ni Mayor Abby.

Responsibilidad aniya ng mga may-ari at administrador ng gusali ang kaligtasan ng mga tao sa kani-kanilang mga pasilidad.

Nabatid na unang rumesponde sa naturang insidente ang mga ambulansiya mula sa Makati Search and Rescue Team at kanilang clusters, Poblacion Rescue, Bangkal Rescue, San Isidro Rescue, Valenzuela Rescue at San Lorenzo Rescue, at ang Philippine Red Cross.

Unang nakatanggap ng tawag ang Makati Command Control and Communication Center (C3) mula sa isang Roldan pasado alas 10:54 gabi ng huwebes kung saan humihingi ng tulong dahil sa insidente at pagsagip sa 17 pasahero ng elevator na nagtamo ng pagkahilo at mga sugat.

Kaagad namang naisugod sa Makati Medical Center ang mga nasugatan na pawang mga Pinoy at Chinese employees ng Huawei Technology.

TAGS: 14 sugatan, Ayala Avenue, Makati Command Control and Communication Center, Mayor Abby Binay, PBCom, 14 sugatan, Ayala Avenue, Makati Command Control and Communication Center, Mayor Abby Binay, PBCom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.