Janella Salvador, hindi na umaasang hihingi ng tawad sa kaniya si Elmo Magalona

By Dona Dominguez-Cargullo, Rollyn Gonzales - Radyo Inquirer intern March 01, 2019 - 03:35 PM

Inquirer File Photo

Matapos mauwi sa hindi magandang pangyayari ang naging relasyon ng dating magka-loveteam na sina Janella Salvador at Elmo Magalona, hindi na umaasa pa ang aktres/singer na hihingi pa ng tawad sa kanya ang dating kapareha.

Matatandaang nagkaroon sila ng kontrobersiya noong Oktubre matapos umanong pisikal na saktan ni Magalona ang aktres.

Sa isang press conference sa Le Reve Events Venue sa Quezon City, sinabi ni Salvador na “What’s done is done”.

Aniya, ang paghihintay sa paghingi ng tawad ni Magalona ay magbibigay lang sa kaniya ng negatibong pakiramdam.

Dagdag pa niya, dahil sa nangyari sa kanila ni Elmo ay natutunan niyang magpatawad sa kanyang sarili at malaman kung ano ang kaya niyang tiisin sa hindi.

TAGS: Elmo Magalona, hihingi ng tawad sa kaniya, Janella Salvador, Elmo Magalona, hihingi ng tawad sa kaniya, Janella Salvador

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.