MILF at GRP, nakiusap na pagtibayin na ang BBL

By Isa Avendaño-Umali November 27, 2015 - 02:25 AM

 

BBL1Nakiusap na ang peace panel ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Kongreso na pagtibayin na ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Sa isang open letter nina Prof. Miriam Coronel-Ferrer at MILF Chief Negotiator Mohagher Iqbal, wala raw oras na dapat ma-sayang, dahil minsan lamang dumating ang oportunidad.

Giit ng dalawa, ang pagpasa sa BBL ang magbibigay-daan sa decommissioning ng libo-libong armas ng MILF, ang pagdis-arma rin sa mga tauhan ng group para maging miyembro ng komunidad, at paglahok sa halalan tungo sa pagkakaroon ng otonomiya, alinsunod sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Kapag naibatas ang BBL, sinabi ni Ferrer at Iqbal na magiging madali para sa susunod na Presidente ng bansa na matamasa at maituloy ang kapayapaan at mapaunlad ang Bangsamoro region.

Bukod dito, ang susunod ng Kongreso ay makakatuktok naman sa iba pang mahahalagang panukalang batas, dahil hindi na nila kailangang magsagawa ng maraming hearings at plenary interpellations para sa Bangsamoro Law.

Naniniwala pa ang dalawa na sa gitna ng tensyon sa Paris, Mali at Syria, importante na nakatutok ang Armed Forces of the Philippines sa external concerns, sa halip na internal conflicts, lalo’t mayroon pa ring territorial disputes sa West Philippine Sea.

Dahil dito, nanawagan sina Ferrer at Iqbal sa Liderato ng Senado at Kamara na pangunahan ang pagpapatibay ng BBL, at buksan ang kanilang mga puso para sa Bangsamoro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.