Golden State Warriors muling nakalasap ng pagkatalo

By Dona Dominguez-Cargullo March 01, 2019 - 12:48 PM

AP Photo
Isang gabi matapos ang kabiguan kontra Miami Heat, muling nakalasap ng pagkatalo ang Golden State Warriors.

Tinalo ng Orlando Magic ang Warriors sa score na 103-96,

Nagtulong sina Aaron Gordon na nagtala ng 22 points at Terrence Ross na nag-ambag ng 16 points para talunin ang Warriors.

Bagaman nakagawa ng 33 puntos si Stephen Curry hindi ito nakatulong upang magwagi sila laban sa Magic.

Ito ang unang pagkakataon na tinalo muli ng Orlando Magic ang Warrios sa nakalipas na mahigit 6 na taon.

Huling pagkakataon kasi na tinalo ng Orlando ang Warriors ay noon pang Dec. 14, 2012.

TAGS: golden state warriors, NBA, Orlando Magic, golden state warriors, NBA, Orlando Magic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.