Arraignment kay Maria Ressa itinakda sa Apr. 12 ng korte

Contributed Photo

Itinakda ng Manila Regional Trial Court (RTC) branch 46 sa susunod na buwan na ang arraignment kay Rappler CEO Maria Ressa para sa kaso niyang cyber libel.

Matapos hindi matuloy ngayong araw, sinabi ni Judge Rainelda Estacio Montesa na sa April 12 na lamang gagawin ang pagbasa ng sakdal ka Ressa.

Ito ay upang magawa muna ng korte na desisyunan ang inihaing motion to quash ng kampo ni Ressa.

Sa sandaling makapaghain ng kani-kanilang pleadings ang bawat kampo ay reresolbahin ang motion to quash.

Read more...