Pangulong Duterte lilikha ng hiwalay na opisina na tututok sa hotline 8888

By Dona Dominguez-Cargullo March 01, 2019 - 12:25 PM

Magtatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng undersecretary na mamamahala sa hotline 8888 ng pamahalaan.

Ayon kay Executive Sec. Salvador Medialdea, sa susunod na mga araw, lilikha ang pangulo ng tanggapan na mangangasiwa sa hotline na tumatanggap sa reklamo ng publiko.

Plano ring maglagay ng SMS system dito o tumanggap din ng reklamo sa pamamagitan ng text.

Sinabi ni Medialdea na nais ng pangulo na matutukan ng husto ang hotline 8888.

Kaya aniya nagpasya na ang pamahalaan na lumikha ng opisinang tututukan ang lahat ng reklamo upang mabilis ding masagot ang mga ito.

Ang naturang hotline ay inilunsad sa pagsisimula ng panunungkulan sa pwesto ni Pangulong Duterte.

Kamakailan nadismaya ang pangulo dahil lagi aniyang busy ang hotline.

Inatasan pa nito ang PLDT na dagdagan ng trunkline ang 8888 para mas madaling matawagan.

TAGS: 8888, Hotline Number, Radyo Inquirer, 8888, Hotline Number, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.