Jonas Brothers muling nagsama-sama at para i-release ang kanilang unang single makalipas ang 6 na taon

By Dona Dominguez-Cargullo, Liberty Alcanar - Radyo Inquirer intern March 01, 2019 - 09:49 AM

Ilalabas ng Grammy-nominated boy-band na Jonas Brothers ang kanilang bagong kantang “Sucker” sa Biyernes matapos ang anim na taon na paghihiwa-hiwalay.

Sumikat ang banda bilang global celebrity matapos ilabas ang kanilang unang album noong 2006.

Nagkaroon din sila ng malalaking commercials dahil sa kanilang Disney channel show.

Pagkatapos ng pagkakawatak-watak ng banda, itinuloy nina Nick at Joe ang ibang musical projects habang si Kevin naman ay lumabas sa mga reality TV shows at nagtayo ng real estate company.

Noon Disyembre 2018, ikinasal si Nick Jonas sa Bollywood actress na si Priyanka Chopra sa isang engrandeng kasalan at tinaguriang “wedding of the year” ng India.

TAGS: Grammy-nominated boy-band, Jonas Brothers, New single, Grammy-nominated boy-band, Jonas Brothers, New single

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.