Heavy equipment sinunog ng mga rebeldeng NPA sa Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo March 01, 2019 - 09:44 AM

Sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng rebeldeng New Peoples’ Army (NPA) ang mga heavy equipment na ginagamit sa pagsaayos ng kalsada Brgy. Agani, Alcala, Cagayan kagabi (Feb. 28).

Ayon sa ulat ng Alcala police, kabilang sa mga natupok ay tatlong mixer, isang compactor o pison, isang grader at isang dumptruck na pag-aari ng Camia Construction Company.

Aabot umano sa 20-miyembro ng NPA ang responsable sa panununog.

Ang mga natupok na heavy equipment ay kasalukuyang ginagamit para sa pag-konkreto ng mahigit 15-kilometrong provincial road sa silangang bahagi ng Alcala.

Patuloy naman ang imbestigasyon pa sa insidente.

TAGS: alcala, Cagayan, heavy equipment, NPA, alcala, Cagayan, heavy equipment, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.