2 patay sa magkahiwalay na operasyon sa Laguna

By Dona Dominguez-Cargullo March 01, 2019 - 09:35 AM

Patay ang isang hinihinalang gun runner at isang hinihinalang magnanakaw sa magkahiwalay na insidente na naganap sa Laguna.

Sa Cabuyao, nasawi ang suspek na si alyas James sa entrapment operation na ikinasa ng mga otoridad, Biyernes (Mar. 1) ng madaling araw sa Barangay Sala.

Ayon kay Sr. Supt. Eleazar Matta, ang suspek ay miyembro ng “Banzon crime group” at kanang kamay ng top drug dealer na si Joel Buarao.

Nagawa umano ng poseur buyer na makabili ng mga baril na nagkakahalaga ng P13,000 mula kay James pero nagpaputok ito ng baril nang makahalatang pulis ang katransaksyon.

Nakuha sa suspek ang 38 caliber revolver at isang 9mm pistol.

Samantala sa Calamba City naman, patay ang isang hindi pa nakikilang lalaki sa pursuit operation sa Barangay Pansol.

Isang babae umano ang humingi ng tulong sa mga pulis matapos siyang holdapin ng suspek at kunin ang kaniyang bag habang nag-aabang ng masasakyan.

Nang mamataan ng mga pulis ay tinangka ng suspek na tumakas at nagpaputok pa ng baril.

TAGS: Cabuyao, Calamba, encounter, laguna, police operations, Cabuyao, Calamba, encounter, laguna, police operations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.