Mga kinatawan mula sa PBCom Tower ipatatawag ng Makati City police matapos ang aksidente sa elevator
Nakatakdang ipatawag ng Makati City police ang property manager at supervisor ng security agency sa PBCom Tower.
Ito ay kasunod ng aksidenteng naganap sa kanilang elevator na nagresulta sa pagkasugat ng 14 na katao.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Makati City chief of police, Supt. Rogelio Simon, nahirapan ang mga imbestigador ng Makati police sa pagkuha ng mga detalye at datos sa naganap na aksidente.
Unang napaulat na hindi pinapasok ang mga imbestigador ng Makati police sa gusali nang mangyari ang aksidente.
Ayon kay Simon, padadalhan nila ng sulat mga kinatawan ng PBCom upang talakayin ang usapin.
Aniya hindi na dapat maulit ang insidente na tila pagtatago o hindi pagbibigay ng impormasyon at datos sa mga pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.