WATCH: 10-anyos na Filipina binigyan ng golden buzzer sa Asia’s Got Talent

Nakakuha ng golden buzzer at otomatikong pasok na sa semifinals ng “Asia’s Got Talent” ang 10 taong gulang na batang Pinay.

Inawit ni Eleana Gabunada ang “Don’t Rain On My Parade” ni Barbra Streisand mula sa 1964 musical na “Funny Girl.”

Pangarap ni Gabunada na maging isang Broadway singer.

Ang judge na si David Foster ang nagbigay ng golden buzzer kay Gabunada.

Ayon kay Foster, sa edad na 10 nauunawaan na ni Gabunada ang kaniyang ginagawa at kaniyang misyon.

Nagustuhan din ni Anggun ang performance ng bata at tinawag niya itong “Baby Streisand”.

Ayon naman sa Judge na si Jay Park “solid performance” ang ipinakita ni Gabunada.

Read more...