5,000 katao papayagang legal na gumamit ng marijuana sa Switzerland bilang bahagi ng pag-aaral
Papayagan ang nasa 5,000 katao na legal na gumamit ng marijuana sa Switzerland bilang bahagi ng pilot studies para sa pagtatakda ng bagong polisiya sa paggamit nito.
Sa panukala, layong amyendahan ang batas na nagbabawal sa marijuana sa nasabing bansa mula pa noong 1951.
Ayon sa Federeal Health Office, hanggang sa kalagitnaan ng taon gagawin ang pag-aaral at hihingin din ang opinyon ng publiko hinggil dito.
Sa datos ng mga otoridad sa Switzerland sa kabila ng karampatang kasong kriminal na kanilang kakaharapin, nasa 200,000 katao ang gumagamit ng illegal cannabis sa bansa.
Ayon sa pahayag ng gobyerno ng Switzerland, kailangan nilang sumubok ng bagong regulation models na tutugon sa kasalukuyang sitwasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.