4 sugatan matapos araruhin ng isang SUV ang 2 motorsiklo sa Marcos Highway

By Dona Dominguez-Cargullo March 01, 2019 - 06:32 AM

Inararo ng isang SUV ang dalawang motorsiklo sa Marcos Highway malapit sa LRT-2 Santolan Station.

Umabot sa apat na katao ang nasugatan sa nasabing aksidente na naganap pasado alas 4:00 ng madaling araw ng Biyernes (Mar. 1).

Nagdulot din ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa Marcos Highway partikular sa lane na patungo ng Katipunan.

Base sa inisyal na imbestigasyon posibleng nakatulog umano ang driver ng Toyota Fortuner kaya inararo nito ang dalawang motorsiklong nasa kaniyang harapan.

Isinugod na sa ospital ang mga nasugatan.

TAGS: accident, Marcos Highway, motorcycle, Pasig City, suv, accident, Marcos Highway, motorcycle, Pasig City, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.