Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Prieto Diaz alas 5:12 ng umaga ngayong Biyernes, March 1.
Ang epicenter nito ay sa 51 kilometers southeast ng Prieto Diaz.
Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng lindol at 29 kilometers ang lalim.
Samantala, alas 5:47 naman ng umaga, naitala ang magnitude 3.5 na lindol sa Prieto Diaz.
Ang epicenter ng ikalawang pagyanig ay sa 36 kilometers southeast ng naturang bayan.
3 kilometers lang ang lalim nito at tectonic din ang origin.
Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng dalawang nasabing lindol at hindi rin inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks .
MOST READ
LATEST STORIES