P2.7M halaga ng shabu, nakumpiska sa Zamboanga City

File photo

Umaabot sa P2.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa buy bust operation sa Zamboanga City Biyernes ng madaling araw.

Sa operasyon ay arestado ang isang mag-asawa na target ng mga pulis.

Nakumpiska sa bahay ng mga suspek sa Barangay Talon-Talon ang nasa 400 gramo ng shabu.

Nakuha rin sa lugar ang mga drug paraphernalia.

Nahaharap ang mag-asawa sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...