Magnitude 3.1 na lindol naitala sa Surigao del Sur
By Len Montaño March 01, 2019 - 04:37 AM
Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa bayan ng Madrid sa lalawigan ng Surigao del Sur Biyernes ng madaling araw.
Naganap ang pagyanig kaninang alas 4:12 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol.
Walang naitalang pinsala sa ari-arian at walang inaasahang aftershocks sa lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.