2 pekeng dentista, timbog sa Bacolod

Arestado ang dalawang nagpanggap na dentista sa magkahiwalay na operasyon sa Bacolod City Huwebes ng hapon.

Naaresto ang mga suspek matapos magreklamo ang Philippine Dental Association Negros Occidental chapter.

Ito ay matapos malaman na walang professional license ang dalawa.

Naaresto ang isang suspek sa kanyang umanoy dental clinic sa Hernaez Street sa Barangay 36.

Kinumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga gamit ng suspek dahil wala ring business permit ang kanilang establisyimento.

Nahaharap ang dalawang pekeng dentista sa paglabag sa Philippine Dental Act of 2007.

Read more...