Lalaki sugatan matapos mabundol ng trailer truck sa Maynila

Contributed photo

Sugatan ang isang lalaki matapos mabangga ng isang trailer truck sa Taft Avenue kanto ng Padre Faura sa Maynila.

Ayon sa isang jeepney barker na nakakita sa aksidente, nabundol ang lalaki habang patawid ng Taft Avenue.

Huminto pa umano ang truck at bumaba ang pahinante nito pero agad ding sumakay at umalis.

Hinabol ng mga barker ang truck at isinumbong sa mga pulis ang pangyayari.

Iginiit naman ng drayber ng truck na nakilalang si Antonio Fajardo ng KNI Trucking Services, mabagal lamang ang kanilang takbo.

Bigla umanong may kumalabog habang sila ay bumabyahe kaya inutos niya sa pahinante na bumaba at tingnan kung ano ang kanilang nasagasaan.

Pero wala umanong nakita ang kanyang pahinante kaya agad din silang umalis.

Sa ngayon ay hawak ng mga pulis ang drayber at pahinante at naisugod na sa Philippine General Hospital ang biktima na hindi pa rin alam ang pagkakakilanlan.

Read more...