NoKor denuclearization, hindi nagawa sa 2nd Trump-Kim summit

By Len Montaño March 01, 2019 - 03:29 AM

Hindi nagkasundo sina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-un ukol sa isyu ng denuclearization ng North Korea sa kanilang ikalawang summit.

Ayon kay Trump, bukas si Kim na tuluyan nang ipasara ang major nuclear facility sa Yongbyon.

Pero tutol ang Amerika sa hirit ni Kim na tanggalin ang lahat ng sanctions sa Pyongyang.

Handa anya ang NoKor sa denuclearization sa kundisyon na alisin ang mga parusa laban sa bansa, bagay na tinutulan ng US.

Nangako naman si Kim na wala muna silang testing of rockets and nuclear.

Sa kabila nito ay naging prodaktibo umano ang ikalawang summit nina Trump at Kim.

Matapos ang summit kay Kim, tatawagan ni Trump si South Korean President Moon Jae-in para talakayin ang nangyari sa dalawang araw na summit

TAGS: denuclearization, sanctions, South Korean President Moon Jae-in, testing of rockets and nuclear, Trump-Kim summit, denuclearization, sanctions, South Korean President Moon Jae-in, testing of rockets and nuclear, Trump-Kim summit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.