PNP dapat palakasin ang intel ops matapos ang death threats kay Bishop David

By Rhommel Balasbas March 01, 2019 - 03:03 AM

Naniniwala si Senadora Nancy Binay na dapat palakasin ng Philippine National Police (PNP) ang intelligence operations nito sa gitna ng mga ulat na nakatatanggap ng death threats si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Sa Kapihan sa Senado news forum, sinabi ni Binay na dapat malaman ng pulisya kung saan nanggagaling ang death threats sa obispo.

Giit nito, dapat maghigpit at galingan ng pulis ang intelligence operations dahil sa laki ng intel fund na ibinibigay sa mga ito.

Sinabi naman ni Binay na sino mang nananakot kay Bishop David ay dapat makinig sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag saktan ang mga obispo.

Samantala, isang prayer vigil ang isasagawa ng Diocese of Kalookan mamayang gabi para ipanalangin ang kaligtasan ng mga obispo, mga pari, layko at ng buong bansa.

TAGS: Bishop Pablo Virgilio David, death threat, Diocese of Kalookan, intel ops, Sen. Nancy Binay, Bishop Pablo Virgilio David, death threat, Diocese of Kalookan, intel ops, Sen. Nancy Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.