Gumawa ng malawakang takot sa mga magulang at mga bata ang naturang challenge na nag-uutos umano na manakit sa kapwa at sa sarili.
Sa isang panayam, sinabi ni DICT Assistant Secretary Alan Cabanlong na nangangalap na sila ng impormasyon at binabantayan ang surface web, deep web at dark web para matukoy ang souce ng momo challenge.
Ani Cabandlong, hindi na bago ang ‘online dare’ na saktan ang sarili at ang kapwa dahil ganito ang ‘Blue Whale Challenge’ na nagmula sa Russia at nakapasok sa internet ilang taon lamang ang nakalilipas.
Nauna nang nagsabi ang YouTube na walang indikasyon na may momo challenge sa kanilang website.
Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang DICT sa Facebook.
Hinikayat naman ni Cabanlong ang mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak.