Source ng ‘momo challenge’ tinutukoy na ng DICT

By Rhommel Balasbas March 01, 2019 - 02:54 AM

Nagsasagawa na ng malawakang imbestigasyon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) tungkol sa ‘momo challenge’.

Gumawa ng malawakang takot sa mga magulang at mga bata ang naturang challenge na nag-uutos umano na manakit sa kapwa at sa sarili.

Sa isang panayam, sinabi ni DICT Assistant Secretary Alan Cabanlong na nangangalap na sila ng impormasyon at binabantayan ang surface web, deep web at dark web para matukoy ang souce ng momo challenge.

Ani Cabandlong, hindi na bago ang ‘online dare’ na saktan ang sarili at ang kapwa dahil ganito ang ‘Blue Whale Challenge’ na nagmula sa Russia at nakapasok sa internet ilang taon lamang ang nakalilipas.

Nauna nang nagsabi ang YouTube na walang indikasyon na may momo challenge sa kanilang website.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang DICT sa Facebook.

Hinikayat naman ni Cabanlong ang mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak.

TAGS: blue whale challenge, dict, facebook, momo challenge, World Wide Web, Youtube, blue whale challenge, dict, facebook, momo challenge, World Wide Web, Youtube

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.