8 Chinese, arestado sa online illegal gambling sa Makati

By Isa Umali, Len Montaño March 01, 2019 - 02:44 AM

NCRPO Photo

(UPDATE) Walong Chinese nationals ang inaresto sa kasong illegal online gambling sa operasyon ng pulisya sa Makati.

Naglabas ng search warrant ang Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 36 kung saan 20 katao ang target ng operasyon ng pulisya.

Sinalakay ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang bahay ng mga dayuhan sa San Lorenzo Village dakong alas 10:00 ng gabi ng Huwebes.

Pero ilang Chinese na lamang ang naabutan ng mga pulis.

Ang mga nadakip ay sina Li Chenchen, Hong Yu, Li Huimin, Cai Jian, Lei Chijin, Xiong Yaowli, Lun Yufei, at Peng Cun.

Nakumpiska sa kanila ang mga desktop computers, laptops, modem, router, cellular phones.

Sasampahan ang mga Chinese ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act.

TAGS: chinese, Cybercrime Prevention Act, Makati, NCRPO, online illegal gambling, Raid, San Lorenzo Village, chinese, Cybercrime Prevention Act, Makati, NCRPO, online illegal gambling, Raid, San Lorenzo Village

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.