2016 National Budget lusot na sa Senado

By Chona Yu November 26, 2015 - 08:03 PM

drilon-senate1
Inquirer file photo

Lusot na sa third and final reading sa senado ang 2016 national budget na aabot sa P3.002Trillion.

Labing-apat na mga Senador ang pumabor habang tumutol naman si Senador koko Pimentel at walang nag-abstain sa panukala.

Una Dito, Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na matapos ang bicameral conference committee sa National Budget sa Decemebr 4 at mararatipikahan ang bicam report sa December 7 hanggang 11.

Target aniya ng mga mambabatas na maisumite kay Pangulong Noynoy Aquino ang Bicam report sa December 14 at mabigyan ng sampung araw na rebyuhin ang budget at mai-veto ng Pangulo ang mga line item na gusto nito.

Ang Senado ay kakatawanin sa Bicam nina Senador Loren Legarda, TG Guingona, Bam Aquino, Sonny Angara, Cynthia Villar, Tito Sotto, Juan Ponce Enrile at Ralph Recto.

 

TAGS: 2016 Budget, Legarda, Senate, 2016 Budget, Legarda, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.