Palasyo itinanggi na may giyera kontra human rights defenders
Itinanggi ng Malakanyang na nagpapatupad ang gobyerno ng giyera laban sa mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao.
“We reiterate that there is no such thing as a war against human rights defenders. There is only one against criminals, including drug pushers, and their protectors,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang statement.
Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng report ng The Observatory for the Protection of Human Rights Defenders kaugnay ng umanoy lumalalang sitwasyon ng mga nagsusulong ng human rights sa bansa.
Nakasaad sa report na may mga hakbang ang administrasyong Duterte na nagpalala sa karahasan laban sa human rights defenders.
Binanggit na mula July 2016 hanggang November 2018, nasa 76 land at environmental rights defenders, 12 mamamahayag at ilang civil society at aktibista ang pinatay dahil sa kanilang trabaho.
Pero ayon kay Panelo, “rehash” ang mga ibinabato laban sa gobyerno.
Hamon pa ng kalihim sa international human rights groups, pormal na magsampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng human rights abuses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.